
Story by Shaiceee
Starring Ranz Kyle of Chiczer and Marvelous Alejo
Gaano katotoo na ‘first love never dies’? Paano kung ipinagpalit ka ng sikat mong boyfriend sa bestfriend mo? WATTPAD PRESENTS “Ex Ko Ang Idol N’yo”.
Ex ni Chanel (Marvelous Alejo) ang sikat na boyband lead singer na si Calix (Ranz Kyle of Chicser). At ang ipinalit sa kanya, ang kanyang bestfriend-turned-nemesis na si Rina (Yna Estrada):
Nang mag-meet sila sa mall, ipinakilala rin ni Chanel kay Calix at Rina ang kanyang bagong boyfriend na si Bench (Joshua Dionisio).
Pero paano kung ang tinitibok pa rin ng puso ni Calix ay si Chanel? Ang kinakikiligang idol, iisa pa rin ang star sa puso!